Paano?

Is it just me o baka pati kayo naiisip nyo ang mga tanong na ito?

– Paano pag sinipon o nagka-LBM ang isang kandidata ng Ms. Universe pageant sa mismong araw ng kompetisyon?
– Paano pag kumulo ang tyan ng isang construction worker na nakabitin sa crane?
– Paano pag nautot ang bidang babae o bidang lalaki habang kinukuhanan ang kanilang bed scene?
– Paano pag lumindol ng malakas habang ikaw ay naliligo?
– Paano pag maling topic o chapter ng libro pala ang na-review mo para sa final exams?
– Paano pag nahuli ka ng boss mo na nanonood ng porn o naglalaro o nagpe-Facebook sa harap ng PC mo?
– Paano pag nag-fund transfer ka sa maling account? Susugod ka ba agad sa bangko para i-report ang nangyari?O kuntento ka na lang na tumawag sa customer service nila?
– Paano pag nakasalubong mo ang crush mo habang gulo-gulo ang buhok mo?
– Paano pag feeling mo antaba mo na tapos nakasalubong mo ang ex mo kasama ang present nya?
– Paano pag napigtas o napunit ang swimsuit mo? Hahango ka ba sa tubig at deadma lang na rarampa?
– Paano pag ubos na ang mineral water mo at nauhaw ka sa dis-oras ng gabi. Wala kang kalan na pwedeng pakuluan ng tubig-gripo. Iinumin mo ba yung tap water?
– Paano pag nakabuntis ka ng babaeng di mo talaga type?
– Paano pag pinag-OT ka ng boss mo eh may scheduled rendezvous kayo ng dyowa mo?
– Paano pag tinetext ka ng ex-bf o ex-gf mo para lang humingi ng advise sa lovelife nya?
– Paano pag yumaman ang ex mo at biglang naging sikat? Magseselos ka ba sa magandang kapalaran nya?
– Paano pag inahas ng bestfriend mo ang dyowa mo? Patatawarin mo ba sila?
– Paano pag bading pala ang bf mo? Hihiwalayan mo ba sya?
-Paano pag napagkamalan kang bading dahil sa mukha ka naman talagang lalaking binihisan ng damit-babae? Maiinsulto ka ba?
– Paano kung di mo masabayan ang ingles ng kausap mong sosyalera? Magta-tagalog ka na lang ba o “yes” or “no” na lang para cute?
– Paano pag sinuklian ka ng 500 pesos sa halip na 200 pesos lang? Keep it na lang ba?
– Paano pag natanggal sa trabaho ang tatay mo habang nasa gitna ka ng college? Magsusumikap ka pa rin ba?
– Paano pag nahuli mo ang asawa mo o tatay mo na kachukchakan ang katulong nyo? Palalayasin mo ba ang katulong nyo?

Discover more from The World of Second Chances

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading