The Haunted: Chapter 10 Ex-Center of His Universe

“So, ano talaga ang ipinunta mo sa Baguio?” tanong ni Rupert.

“Panagbenga.”

Napangiti si Rupert, yung ngiti na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko.

“Okay, so bale pinapasyal ninyo ni Jim ang kids ninyo?” follow-up question niya. Nakatingin sya ng taimtim sa akin na parang pulis na nag-uusisa sa kawatan.

“No, I came here alone,” hindi ako tumingin sa kanya kaya hindi ko alam ang naging ekspresyon niya.

“There must be trouble in paradise?” seryosong tanong niya.

“Wala naman…” maagap kong sagot habang naglalakad ng kaunti papunta sa front door.

“I wouldn’t ask more questions about your family. Anyway, what’s your plan for today?” nakapamewang niyang tanong.

“Kukunin ko siguro ang TOR ko at diploma sa school,” ang naiilang kong sagot.

Nahalata kong medyo nagulat siya.

“Are you sure? Nawala ba ang transcript of records at diploma mo?”

“Hindi ko pa talaga nakuha. Noong umuwi ako pagkatapos ng graduation, hindi na ako bumalik pa. It took me almost 20 years to finally have the courage to come back,” seryoso kong sagot.

Hinawakan niya ako sa kamay, hindi ko alam pero hindi ko binawi ang pagkakahawak niya.

“Leona, don’t tell me hindi ka nag-pursue ng career na gusto mo after college?” naroon ang concern sa boses niya.

Nagtama ang mga mata namin, binabasa ng bawat isa sa amin ang nilalaman ng puso at isipan. Binawi ko ang paningin ko sa mga mata niyang nangungusap, iniingatan kong buksan anuman ang damdaming nakatago sa akin. Takot? Hiya? Pagkabahala? O baka naman may natutulog pa kaming damdamin para sa isa’t-isa?

“Hindi naman ako nagtatrabaho sa isang sikat at malaking kumpanya. Hindi nila ako hiningan ng mga bagay na iyan. Pinakita ko lang ang school ID ko and that was it,” nahihiya kong sagot.

“Oh, hindi pala natuloy ang Jessica o Korina dream mo?” pagtutukoy niya sa mga idolo kong sila Jessica Soho at Korina Sanchez.

“That’s life. It has full of surprises. Para namang bago ka nang bago,” sagot ko.

Bumitiw siya sa pagkakahawak sa akin at humalukipkip.

“Ano’ng oras ka ba pupunta ng SLU? Samahan na kita,” alok niya.

“Pagkakain ko ng breakfast.”

“Ooops, sorry. Nagpa-deliver lang ako kanina. I wasn’t expecting any visitor.”

“What about your wife?” ganti kong tanong.

Napangiti siya, yung ngiti na hindi malaman kung maiinis o matutuwa sa tanong ko.

“I’m a damaged man, kahit si Abigail na napakabait ay hindi talaga tatagal sa akin,” napapailing niyang sagot.

May kurot ang pangalang binanggit niya sa akin. May kaunti din akong pagsisisi kung bakit ko pa natanong.

“May breakfast namang inihanda si Dina. I should go now,” pagpapaalam ko.

“I’ll be there in 30 minutes. Antayin mo ako. Sasamahan na kita,” sabi niya habang binubuksan ang front gate.

“Hindi ba magagalit ang boss mo kung ma-late ka sa trabaho?”

Napangiti na naman siya na alanganing natutuwa at alanganing nagtataka sa tanong ko. Lalong lumulutang ang angkin niyang kagwapuhan sa facial expression niya.

“Sasabihin ko na lang na may old friend akong nagbabakasyon at gusto naming sulitin ang panahon. Sa palagay mo, pwede na bang dahilan yan?”

Napangiti ako at napatango. Habang nilalakad ko ang pauwi sa college house ay hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nasaktan ako sa salitang “old friend.” Hinahanap-hanap ng pandinig ko ang mga matatamis na kataga o taguri niya sa akin noong mga panahong kami pa.

Princess.

Ms. Universe.

One of a kind.

Love of my life.

Hayan ang mga tawag niya sa akin dati. At ngayon ay isa na lamang akong old friend. Nalulungkot ba ako dahil hindi na ako ang center of his universe o sadyang bad news lang talaga ako kahit kanino? Nagsisikip ang dibdib ko sa nagsisimulang bugso ng mga damdamin. Dinukot ko ang bulsa ko at hinanap ang isang bagay na makakapagpakalma sa akin.

Discover more from The World of Second Chances

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading