Mukhang patapos na ang Dirty Linen.
Sa teaser, may hint na aaminin ni Mila/Alexa na magkapatid sila ni Chiara.
May hint din na mabibisto na ng mga Fierro na si Mila ay si Alexa.
Pero may mga tanong pa din sa kwento na hindi pa mahulaan ng kagaya kong fan ng serye na ito.
- Bakit walang mana si Feliz at si Doña Cielo? Sabi nila, dahil baka nagkaroon ng affair si Doña Cielo kay Chief Alejandro at si Feliz ang naging lovechild kung kaya’t nang malaman ni Don Fierro, inalis nya sa mana ang dalawa. My wild guess is, si Carlos ang anak ni Chief Alejandro dahil masyado niya itong pinrotektahan. Maybe Lemuel’s kuya knew the truth kaya pinapatay siya. Fake ang last will and testament at ang tunay na tagapagmana ay si Feliz.
- Sino ang nakabaril kay Olivia? Sabi nila ay baka si Aidan dahil baka aksidenteng tinamaan si Olivia nang paglaruan ang baril. I don’t think it’s Aidan dahil mukhang takot na takot si Olivia nang magtago siya. Mahirap hulaan so maybe si Doña Cielo ang nag-utos dahil baka nalaman ni Olivia ang lihim nya na hindi tunay na Fierro si Carlos.
- Magkakatuluyan pa ba sila Aidan at Mila? Naku, sa dami ng issue nila, malabo na yan. Baka si Aidan at si Sophie pa din at si Mila/Alexa at si Lemuel naman pero they will always be each other’s TOTGA (naisingit pa yun eh ano?)
- Ano na ang mangyayari kay Chiara? Syempre, since si Alexa/Mila ang bida dito, ang ending ay sa kanya sasama si Chiara! LOL.
- Makakamit ba nila ang hustisya laban sa mga Fierro- Oo, makukulong si Carlos, Leona, Ador at Chief Alejandro. Gagawin ni Olga lahat ng makakaya niya para mailabas si Leona and they will live happily ever after.
Kayo, ano ang wild guess nyo?