Sa magulo’t komplikadong buhay, naglalakbay ang mga ugnayan.
Bawat isa may sariling landas, mga opinyon o pananaw.
Ngunit sa mga itong kumukubli, may isang uri tayong namumukhaan.
Isang paglalakbay na di-tiyak, isang masalimuot na pagkakabigkis.
Mga ugnayang walang kinabukasan, di singlalim ng karagatan.
Sa walang agos na tubig, nagsisikap makadaan.
Walang-katapusang pag-ikot, minsan ay nakakalimutan.
Nakapako sa pag-asam, di alintana ang kinabukasan.
Di tiyak, di laan, mga bagay na hindi magkakatugma.
Ang hinaharap na inaasam ngunit baka walang katiyakan.
Pansariling hidwaan, pagtatalo ng isip at kalooban.
Pinipilit kayanin ang bukas,kahit pundasyon ay kinatatakutan.
Mga lakas na panlabas, pinaghahandaan ang bawat hamon.
Dahil saang dako man pumaroon, lakas ng loob ang pansuong.
Kahit pa pusong may pagkatakot, tumatapang sa hirap ng buhay.
Mundo man ay maging malungkot, narito tayo’t nakikibaka.
Dahil di lahat ay nawawala, hindi lahat ay walang kabuluhan.
Darating din ang panahon na lahat ay magiginhawahan.
May leksyon ang bawat ganap, maghantay ka lang at magmasid.
Ang ating pang-unawa sa sarili, at ang landasin ng ating pag-unlad.
Kaya’t yakapin ang karunungan, hayaang mabuksan,
Ang malayang pag-iisip basta’t walang nilalabag na utos ng Ama.
Walang kinabukasang hawak, ngunit may aral na di-mabilang.
Gabay sa ating pagkatao, sa ating mga kwento na nabubuklat.